Using Bitcoin

Bakit Ka Gagamit ng Bitcoin?

Madaming kabutihan ang maidudulot sa paggamit ng Bitcoin kaysa sa tradisyunal na fiat currency. Ito ay isang maikling pagpapakilala sa paggamit ng Bitcoin sa pagtransact ng mga kalakal at serbisyo.

 

Gastos at Oras ng Transaksyon

Isa sa mga pinakanababanggit na pakinabang sa paggamit ng Bitcoin ay ang gastos na kaugnay sa paggawa nito. Kadalasan, ang pamantayang bayad sa Bitcoin transfer ay 0.0005 BTC. Ang kasalukuyang halaga ng palitan naman ay nangangahalagang $0.2. Ang karaniwang halaga kaugnay sa wire transfer globally o kaunting higit pa sa $40 ( na kasama ang nagpadala na magbabayad ng halos $26 at ang makakakuha ng padala ay magbabayad ng halos $15 ). Katulad dito, ang mga credit cards ay sisingil ng minimum na $3 hanggang $5 sa balance transfer account, kung saan ang halaga ay palaging magiging mas mahal kaysa sa Bitcoin transfer.

Sa karagdagang impormasyon, kung gusto niyong magpadala ng pera gamit ang wire transfer papuntang ibang bansa, magtatagal ito sa pagitan ng ilang araw hanggang isang linggo. Ang pagbayad gamit ang credit card ay maaaring umabot ng tatlong araw para linawin. Samantalang ang mga transaksyon sa Bitcoin ay aabot lang ng mga hanggang 10 minuto para makatanggap ng confirmation.

 

Walang Chargebacks

Kung ikaw ay nakapagbenta ng kahit ano sa mga auction sites kagaya ng eBay sa nakaraan, alam niya siguro ang konsepto ng chargebacks. Ang chargeback ay kapag ang bangko o credit card provider ay inutusang ipabalik ang perang ginamit pambili na ibinayad na sa nagbebenta. Siguradong ita ay mapapakinabangan dahil ito ay makakatulong sa pagtigil ng “seller fraud”. Ngunit ang Bitcoin rin ay hindi perpekto, sapagkat kahit papaano ang mga tao parin ay pwedeng manloko ng mga mamimili. Kung ikaw ay nagbayad na gamit ang bitcoin,

 

Ikaw ang mismong naghahawak ng iyong Bitcoin

Sa ngayon, kailangan mo bigyan ng tiwala ang naghahawak ng iyong pera, tulad ng mga bangko. Dahil maraming problemang nagsilabasan sa ating panahon, hindi natin ito ginugusto. Sa Bitcoin, puwede mong itago ang iyong pera online o kung di naman ay puwede mo ring itagong offline (isa rin naming pag-uusapan sa isa pang artikulo). Walang mga bayaring interest, o iba pa, at wala nang ibang mga taong makakakuha sa iyong pera tulad ng gobyerno.

 

Puwede kang magpadala ng perang di nagpapakilala

Ngayon, para bumili ng mga kagamitan sa internet, kailangan mo magbigay ng maraming impormasyon tungkol sa sarili. Malaking problema ang pagbibigay ng maraming impormasyon dahil puwede itong gamitin para kunin ang iyong pera. Di tulad sa Bitcoin, puwede mong itago ang iyong mga impormasyon at walang makaka-alam kung sinuman ang nagpadala ng pera dahil ang kinakailangan lang para magbayad gamit ang Bitcoin ay ang iyong Bitcoin Address. Marami ring gumagamit Bitcoin para gumawa ng kung anu-anong kababalaghan, ngunit ito ay sarili niyong responsibilidad na gawin ang tama.

SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER