Mining Bitcoin

Kumita ng bitcoin sa pag solve ng algorithms

 

Noong nagsimula ang technology era, mas napadali ang buhay natin pero bago pa man ito nangyari, naging ‘complicated’ muna ang bagay-bagay. Yan din ang nangyayari ngayon sa isang trending na online payment na Bitcoin. Marahil ito ay kumplikado sa mga baguhan sa bitcoin pero ang paraan para kumita dito ay kailangan lamang ng konting problem-solving skills. Para maunawaan ang sistema ng Bitcoin, isa-isahin natin ang mga impormasyon sa ngayon ay tinatawag na “The Future of online payment”.

 

Ano nga ba ang bitcoin?

 

Ang Bitcoin ay isang uri ng crypto currency – isang uri ng online currency na gumagamit ng cryptography o mathematical proofs na nakakatulong na mai-secure ang mga transactions. Ito ay isang uri ng virtual currency na walang central regulating authority at nag ooperate sa pamamagitan ng P2P or Peer-to-peer technology (i.e. no intermediary or third party involved). Isang simpleng halimbawa ay ang sitwasyong ito: Binigyan ni Pedro ng candy si Juan; silang dalawa ngayon ay masasabi nating involve sa isang transaction. Pero ang pinagkaiba nito sa Bitcoin ay lahat ng transaction sa sistemang ito ay verified ng isang “Public Ledge” na tinatawag na Block Chain.

 

Sa ngayon marahil ay nagtataka na kayo kung paano inaayos ng network ang lahat ng activities sa Bitcoin world. Kung iisipin, madali lang naman lahat. Pinapakita ng block chain ang lahat ng sunod-sunod na transactions sa P2P system at binibigyan din nila ng oportunidad ang mga users sa loob ng network na i-verify ang mga transaction nito sa pamamagitan ng pagkuha ng kopya ng bawat ‘block’ o ang recorded data of exchange. Ang nangyayari sa sistemang ito ay katulad ng mga open-source sites tulad ng Wikipedia na kung saan ang mga impormasyon ay inilalagay at pinangangalagaan ng mga users kung kaya’t merong consensus na tinatawag.

 

Ang bawat block dumadaan muna sa bawat ‘Bitcoin wallet’ sa pamamagitan ng download at ginagawang ‘irreversible’ ang isang bitcoin transaction. Ang proseso namang ito ay tinatawag na “Mining”.

 

 

Paano nga ba ang Bitcoin Mining?

 

Ang bitcoin mining ay gumagamit ng computer hardware para mag perform ng mathematical calculations at sa bawal successful dicephering na nagagawa nito, ang isang transaction data na nakapaloob sa block ay nadadagdag sa block chain at verified na ito ng user. “Miners” naman ang tawag sa mga taong nagmimina ng blocks na kung saan ay nakakakuha sila ng compensation sa ginagawa nila. Ang bayad sa ginagawang ito, as of November 2012, ay 25 bitcoins — higit kumulang $15,000 or more than Php 600,000. Ang laki di ‘ba? Ang mga miners ay kumikita din sa pamamagitan ng mga transaction fees sa bawat successful mining na ginagawa nila. Marami na din ang nahuhumaling na sumali sa mga “Mining pools”.

 

Ang Bitcoin Algorithm

 

Ang tinatawag na “Hash functions” ay may malaking parte sa buong sistema ng bitcoin. Sa math, ang hash function ay isang algorithm na kumukuha ng input at kino-convert ito sa output. Gumagawa ito ng complex string of figures na kailangan pabitcoin mining the future can be minedra sa cryptography. Sa Bitcoin world, ang ginagamit na hash function ay SHA-256.

Para makapag mine ng block, kailangan mong kumolekta ng mga bagong transactions sa isang block. Pagkatapos ay kailangan mong i-Hash ang block para makapag derive ng 256-bit hash value. Dapat tandaan na sa loob ng cryptographic hash, may posibilidad na gagamit ka ng maraming inputs. Pero sa oras na masaktuhan mo yung input na nagpo-provide ng value na kailangan mo, magiging madali na lamang na i-verify ang hash. Ang mga uri ng hashing servers na ito ay nagsisilbing ‘back bone’ ng “proof of work” na kailangan resulbahin ng mga ‘miners’. Sa ngayon, ang average ng pwedeng minahing block ay once every 10 minutes lang.

 

SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER