How to Buy Bitcoin

Paano bumili ng Bitcoin?

Ang Bitcoin ay isang bagong klaseng pera, at sa ngayon, limitado parin ang mga paraan na bumili ng Bitcoin, at mas lalo na sa ating umuunlad na bansa. Sa artikulo na ito, malalaman mo ang mga paraan para ikaw ay makakabili ng Bitcoin sa ating bansa.

Sa ating bansa, puwede ka bumili ng Bitcoin gamit ang:

  • LocalBitcoins
  • Bitcoin ATM
  • Tao sa Tao
  • Mga Exchange

Sa LocalBitcoins, puwede ka bumili ng Bitcoin na inililista ng mga taong gumagamit din ng serbisyong ito. May mga tumatanggap ng mga deposit sa BDO, Metrobank, BPI at iba pa kaya marami-rami na rin ang puwedeng bilhan ng Bitcoin gamit ang serbisyong ito.

Sa Makati naman, may ilang mga BTM o Bitcoin ATM na makikita kung san puwede kang bumili ng Bitcoin nang mabilisan. Kailangan mo lang ng pera at ipapasok mo ito sa loob ng BTM at pagkatapos matatanggap mo na ang mga Bitcoin na binili mo sa iyong wallet. Posible ring magbenta ng Bitcoin gamit ang ilang mga BTM sa Pilipinas, para doon, kailangan mo lang ng Bitcoin sa iyong mobile Bitcoin wallet sa inyong selepono at internet. Mapapadala mo ang mga Bitcoin na iyon gamit ang QR scanner

Puwede ka ring bumili ng Bitcoins sa ibang taong may mga Bitcoin. Maghanap ka lang ng taong may Bitcoin na binebenta sa mga lugar na malapit sa inyo.

 

buy bitcoin newsbtc

Para bumili ng Bitcoins gamit ng exchange, kailangan mo lang magdeposit ng pera sa bank account ng isang exchange, at magagamit mo na ang perang dineposit mo para bumili ng Bitcoin sa iba’t ibang presyo sa exchange.

Bago mag-isip na bumili ng Bitcoin, mag-ingat sa mga manloloko. Kami’y nagbibigay ng mga babala, na maghanap muna ng mga impormasyong magpapatunay ng legitimacy ng isang kompanyang o taong nagbebenta ng Bitcoin.

 

 

 

SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER