MobileShop.ph – Load ba kamo? Crypto na!




mso

Maraming Pilipino ang gumagamit ng kanilang mga telepono araw-araw. Lahat ng ito’y may mga postpaid na plano sa mga telcom na kompanya, kundi naman ay bumibili ng load credits sa sari-sari store. Maraming walang oras pumuntang sari-sari store para lang bumili ng load, at marami naming wala ring transportasyon! Ngayon, puwede ka nang magbayad kung san ka man naroroon! Load gamit ang Bitcoin, Dogecoin o Litecoin? Walang problema!

Ang mobile shop ay ginawa at nakabase sa Pilipinas, ngunit ang mga serbisyong dala nito ay nagagamit din para sa iba’t-ibang mga bansa, mapa-United Sates ‘man o Indonesia! At siyempre naman, hindi lang din para sa telepono ang serbisyong iyan, kundi pati na rin sa prepaid na satellite TV tulad ng Cignal-TV! At kung sa tingin mo magtatapos pa roon ang kalawakan ng serbisyo ng MobileShop.ph, aba’y nagkakamali ka dahil hindi lang din Bitcoin ang tinatanggap na bayad dito, kundi pati ang Litecoin at Dogecoin! Sila rin ay nagkakaroon ng mga promo para sa kanilang mga serbisyo, paminsan ay discount, at kundi man discount, ay pan-dagdag naman sa iyong biniling load package!

Nakakatulong ang serbisyong ito sa masa ng Pilipinas, dahil una sa lahat, puwedeng bumili ng load credits ang mga mamamayan sa kanilang mga bahay o kung saan man nila gusto! Nakatutulong ito sa mga taong laging nagtatrabaho, walang transportasyon o kung anu-ano man! Isa pa’y di tulad ng ibang mga pam-malayuang mga paraang pambayad, mababa ang bayaring para sa pagpapadala!

Panload man, panregalo o ano man, MobileShop.PH. Isang serbisyong tumatanggap at gumagamit ng Bitcoin para sa sambayanang Pilipino!

Link papuntang mobileshop:
MobileShop

SUBSCRIBE TO OUR NEWSLETTER

Read previous post:
PBEGjN1
NuDroid – Magtago ng Bitcoin, Matulog nang Mahimbing

Isa sa pinakamalalaking problema ng paggamit ng Bitcoin ang pabago-bagong presyo ng perang ito. Marami nang beses bumagsak ang halaga...

Close